ISINAGAWA ANG SERBISYONG MAY PUSO MOBILE HEALTH SERVICES SA SITIO CENTRAL, BARANGAY WAKAS.

ISINAGAWA ANG SERBISYONG MAY PUSO MOBILE HEALTH SERVICES SA SITIO CENTRAL, BARANGAY WAKAS.
31 Jan 2025

News

ISINAGAWA ANG SERBISYONG MAY PUSO MOBILE HEALTH SERVICES SA SITIO CENTRAL, BARANGAY WAKAS.

Biyernes, January 31, 2025, nagtungo ang mga tauhan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team sa Sitio Central, Baragay Wakas para ilapit ang iba’t-ibang serbisyong medikal handog ng Serbisyong May Puso Mobile Health Services.
 
Pinangunahan ni MHMERT Team Leader/Assistant City Health Officer Ma. Graciela D. De Leon ang paghahatid ng mga libreng consultation, ECG, Ultrasound, X-ray, Laboratory and Diagnostic Services.
 
Nandoon din ang mga tauhan ng City Health Office-Dental Section para magsagawa ng libreng bunot ng ngipin. Maging ang ICT Section ay may offsite services para mamahagi ng Tayabazen Card. Samantalang pinabilis din ang pagpaparehistro sa Philippine Identification Card o National ID.
 
Lubos pasasalamat at suporta ni Acting Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida sa isinasagawang Serbisyong may Puso Caravan para sa mga residente ng Lungsod ng Tayabas. Naging katuwang ng OCM-MHMERT sa Mobile Health Services ang mga Barangay Health Workers (BHW) ng Barangay Wakas.
SHARE ON