03
Jun 2024
News
MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
Atrium, New Tayabas City Hall
June 3, 2024.
“Ninanais ko po na ang Lungsod ng Tayabas ay manatiling isang kaaya-ayang lugar upang lahat tayo ay mamuhay dito…ang pangarap ko po para sa Lungsod ng Tayabas to be the place to live, to work, to play and raise a family.”
Ito ang buod ng mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso nang pangunahan niya ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pagdalo sa seremonya ng pagtataas ng bandila na pinamahalaan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office.
Sa ikalawang bahagi ay ginawaran ng Sertipiko ng Pagkilala ng City Nutrition Section ang mga Barangay Nutrition Scholars na matagal ng naglilinkod sa mamamayang Tayabasin. Kabilang sa mga pinarangalan ang labindalwang BNS na may 5 years in service; siyam na 10 years in service; isang 15 years in service; at isang 20 years in service.
Inanunsyo naman ni Community eCenter Manager Marvin Jacela na ngayong buwan ay ipinagdiriwang ang ICT Month kung saan magkakaroon ng Provincial ICT Challenge ngayong Lunes at may tatlong kawani ang pamahalaang lokal na kakatawan sa Lungsod ng Tayabas sa challenge na ito sa Provincial DICT Office.
Isinara ang seremonya sa pangwakas na pananalita ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na tumukoy sa mga hindi magagandang pangyayari na kinasasangkutan ng pagbabanta sa seguridad ng kawani ng pamahalaang lokal.