05
Feb 2024
News
MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
MONDAY FLAG RAISING CEREMONY
Atrium, New Tayabas City Hall
February 5, 2024.
Pinangunahan ni Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida ang mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pagdalo ng seremonya ng pagtataas ng bandila na pinamunuan ng Office of the City Vice Mayor at Sangguniang Panlungsod. Si Sister Kathleen Gay Magpantay, MCST ang namuno sa pangkalahatang panalangin kasama sina Pastor Jun at Pastor Ronnie.
Sa pangalawang bahagi ay binigyang daan ang pagpapakilala ni HRMO Mary Jane Calupig sa dalawang ( 2 ) bagong hirang na kawani mula sa Office of the City Vice Mayor. Sumunod ang pagpapakilala sa 162 work-immersion students ng Luis Palad Integrated High School, simula ngayong February 5 hanggang February 16, 2024 sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.
Inanusyo naman ni PESO Manager Marylou D. Montoya na simula February 15, 2024 hanggang katapusan ng Pebrero ay tatanggap na sila ng aplikante na college students na gustong magtrabaho sa ilalim ng Special Program for the Employment of Students o SPES.
Bagamat hindi personal nakadalo sa seremonya si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso dahil sa mga nakatakdang mahalagang lakad ay gumawa pa din siya ng paraan para magpaabot ng magandang mensahe para sa mga empleyado ng Pamahalaang Lokal. Natapos ang seramonya sa pangwakas na pananalita ni Vice Mayor Oro Dalida.