21
Nov 2024
Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng Barangay Ilayang Bukal sa pagsasagawa ng Serbisyong Reynoso Caravan sa kanilang lugar para sa libreng medical consultation, gamot, ECG, X-ray at iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic services at dental services ng pamahalaang lokal.
Pinamunuan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang Serbsiyong Reynoso katuwang ang ilang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Taybaas kabilang ang City Health Office-Dental Section, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library, City Veterinary Office, City Environmental and Natural Resources Office (CENRO), City Civil Registrar Office, Public Employment Services Office (PESO) para magsagawa ng offsite services.
Samantalang mas pinabilis din ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card ng mga tauhan ng OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section.
Kagaya ng palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, “sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay prayoridad ng administrasyon.” At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin.