
24
Mar 2025
News
Operasyon Kontra Kolorum: 13 Traffic Violators, Nasita sa Tayabas

Umabot sa labintatlung ( 13 ) traffic violators ang naisyuhan ng citation ticket bunsod ng iba’t ibang violation sa isinagawang operasyon kontra kolorum ngayong Lunes, March 24, 2025.
Pinangasiwaan ng mga tauhan ng OCM-Traffic Operations Section at Tayabas Component City Police Station ang operasyon na may layuning mapasunod ang mga namamasadang tricycle driver at iba pang motorista, sa mga patakaran at panuntunan na nakapaloob sa City Traffic Ordinance Number 21-27.
Bukod sa pag-impound sa mga nahuling kolurum ay pagmumultahin sila ng halagang limanlibong piso (P5,000).
Nagpaalala rin ang OCM-Traffic Operations Section at Tayabas Component City Police Station
na maging mahinahon kapag nakalatag ang checkpoint o kapag pinapara at huwag magalit sa mga operatiba sapagkat sumusunod lang din sila sa batas na ipinatutupad ng Lokal na Pamahalaan ng Tayabas.

