PAGDIRIWANG NG CIVIL REGISTRATION MONTH 2025, NAGSIMULA NA SA LUNGSOD NG TAYABAS.

PAGDIRIWANG NG CIVIL REGISTRATION MONTH 2025, NAGSIMULA NA SA LUNGSOD NG TAYABAS.
03 Feb 2025

News

PAGDIRIWANG NG CIVIL REGISTRATION MONTH 2025, NAGSIMULA NA SA LUNGSOD NG TAYABAS.

Ang buwan ng Pebrero ay itinalagang Civil Registration Month. Ngayong 2025 ay ipinagdiriwang ang 35th Civil Registration Month na may temang “Building a Resilient, Agile and Future-Fit Civil Registration and Vital Statistics (CRVS) System.”
 
Pinasimulan sa isang motorcade ang pagdiriwang na pinangunahan ng mga tauhan ng City Civil Registry Office sa pamumuno ni Maide Jader at mga kawani ng PSA Quezon Provincial Office.
 
Naging daan ang motorcade upang iparating sa kaalaman ng mga Tayabasin ang mga aktibidad sa panahon ng Civil Registration Month kagaya ng libreng pagpaparehistro ng bagong panganak, kasal at death; pagtatama ng mga maling tala o pagpapalit ng pangalan at pagtatama ng kasarian at petsa ng kapanganakan.
 
Libre din ang pagkuha ng certified copies ng rehistro ng kapanganakan, kasal at death. Nakahanay din ang mga contests na lalahukan ng mga mag-aaral at kasapi ng mga samahan.
 
Suportado ni Acting City Mayor Rosauro “Oro” Dalida ang mga isasagawag aktibidad ng tangagapan ng Patalaang Sibil sa buong buwan ng Pebrero.
SHARE ON