
28
Jan 2025

Maagang nagtungo ang mga tauhan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) sa Barangay Opias, Doña Carmen Subdivision, ngayong Martes, January 28, 2025.
Pinangunahan ni OCM-MHMERT Team Leader/Assistant City Health Officer Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon ang paghahatid ng libreng konsulta, ECG, X-ray at iba’t-ibang uri ng laboratory at diagnostic services. Samantalang naghatid ng libreng dental services ang CHO-Dental Section.
Doon din nagsagawa ng off-site services ang ilang tanggapan ng Pamahalaang Lokal gaya ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library, City Veterinary Office, City Civil Registrar Office, Public Employment Services Office (PESO), City Environmental and Natural Resources Office, City Agriculture Office at OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section.
Nakiisa rin sa Caravan ang Philippine Statistics Office kung saan maaring mag-register ng National ID ang mga Tayabasing wala pang hawak na National ID. Nag-iissue rin sila ng E-Phil ID o Electronic Copy ng ID kung sakaling kailangan ng mabilisang kopya ng National ID.
Lubos naman ang suporta ni Acting Mayor Rosauro “Oro” Dalida sa isinasagawang Paglilingkod na may Puso Caravan para ilapit ang libreng medical, laboratory, diagnostic at dental services sa mga residenteng nasasakupan ng Lungsod ng Tayabas.


Related Articles
Popular Category
Recent Posts


- News|
- 3 days ago