25
Jan 2024
Health
News
SERBISYONG REYNOSO CARAVAN. NASAAN KA MAN, SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAAN AY MAPAPAKINABANGAN.
Jan. 25, 2024
SERBISYONG REYNOSO CARAVAN. NASAAN KA MAN, SERBISYO NG LOKAL NA PAMAHALAAN AY MAPAPAKINABANGAN.
Sa pagpapatuloy ng proyekto ng Administrasyong Reynoso na paglalapit sa mga tao ng serbisyo ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas, muling inatasan ng ating Punong Lungsod Lovely Reynoso Pontioso ang pagsasagawa ng Serbisyong Reynoso Caravan sa mga barangay.
Kaisa ang ating Punong Lungsod Lovely Reynoso Pontioso para sa nasabing programa upang mag bigay mensahe “Tuloy tuloy po ang serbisyong napapanahon para sa ating mga kababayang kailangan ng serbisyong totoo at serbisyong may pag mamahal sa tao.”
Isang matagumpay na Serbisyo Reynoso Caravan na pinamahalaan ng Mobile Health and Medical Emergency Response Team o MHMERT headed by Dra. Maria Graciela Derada- De Leon ang isinagawa sa Barangay Ipilan ngayung araw ng huwebes.
Nakinabang sa Serbisyong Publiko Caravan ang mga naninirahan sa nasabing lugar at mga karatig-barangay sa off-site mobile services gamit ang Mobile Clinic ng City Health Office para magpakonsulta ng iba’t-ibang karamdaman, magpa-ECG, magpa-Xray etc.
Pasasalamat din sa kanilang Punong Barangay Kap. Rommel Boyet Lado para sa maayos na pag papadaloy ng nasabing programa katuwang ang kanilang mga kasamahan sa barangay.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 13 hours ago
TINGNAN || 300 PACKS OF RELIEF GOODS, NATANGGAP...
- Health|
- 13 hours ago
TINGNAN || INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024
- Health|
- 2 days ago