05
Dec 2024
News
SERBISYONG REYNOSO CARAVAN SA SEVENTH DAY ADVENTIST COMPOUND, BARANGAY ISABANG. ISINAGAWA
Maagang nagtungo ang mga tauhan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) sa compound ng Seventh Day Adventist sa Barangay Isabang ngayong Martes, December 3, 2024.
Nakinabang sa libreng medical consultation, gamot, ECG, X-ray at iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic services, dental services at offsite services ng iba’t ibang tanggapan ng pamahalaang lokal na kasama sa Serbisyong Reynoso Caravan ang mga residente sa compound.
Personal na nakadaupang-palad ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga residente doon. At muli niyang sinigurado na sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay prayoridad ng administrasyon. “At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin” aniya.
Pinamunuan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang Serbsiyong Reynoso Caravan katuwang ang ilang tanggapan ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Taybaas kabilang ang City Health Office-Dental Section, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library, City Veterinary Office, Public Employment Services Office (PESO) at OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section para magsagawa ng offsite services.