04
Dec 2024
Umulan man o umaraw tuloy pa din ang pagbibigay ng libreng medical services ang Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team gaya ng libreng konsulta sa doktor na may kaukulang libreng gamot, free laboratory tests, ultrasound, x-ray, ECG handog ng Serbisyong Reynoso Mobile Health Services sa mga residente ng Sunrise Village ng Barangay Baguio ngayong Biyernes, November 29, 2024.
Nandoon din ang CHO-Dental Section para sa libreng bunot ng ngipin, gayundin ang OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section para mas pabilisin ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card.
Ang Serbisyong Reynoso Mobile Health Services ay inilunsad ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso para ipagkaloob sa mga residente ng Lungsod ng Tayabas ang mga libreng serbisyong medikal.
Naging katuwang ng OCM-MHMERT ang mga BHW at Barangay Tanod ng Barangay Baguio.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 18 hours ago