SOUTH GATE AT MGA KALAPIT NA LUGAR, NAPAGLINGKURAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN

SOUTH GATE AT MGA KALAPIT NA LUGAR, NAPAGLINGKURAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN
18 Mar 2025

Health

News

SOUTH GATE AT MGA KALAPIT NA LUGAR, NAPAGLINGKURAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN

SOUTH GATE AT MGA KALAPIT NA LUGAR, NAPAGLINGKURAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN.
Lubos ang pasasalamat ng mga residente ng South Gate Subdivision, Barangay Calumpang sa mga libreng serbisyong hatid ng Serbisyong Reynoso Caravan ngayong Martes, March 18, 2025.
 
Pinamunuan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) ang Serbsiyong Reynoso Caravan ang paghahatid ng libreng konsulta, ECG, X-ray, iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic and dental services.
 
Nandoon din ang mga kawani ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Agriculture Office, Office of the City Library,Public Employment Services Office (PESO), City Veterinary Office at OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section para magsagawa ng offsite services.
 
Nanguna sa caravan si OCM-MHMERT Team Leader and Assistant City Health Officer, Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon, sa paghahatid ng iba’t-ibang serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.
 
Nagsisilbing panuntunan sa paglilingkod ng Serbisyong Reynoso caravan ang palaging pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na “Sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na prayoridad ng administrasyon. At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan ng lahat.”
SHARE ON
Scroll to Top