Tayabazen Digital Platform 2.0: Bagong Teknolohiya para sa Mas Mabilis at Maginhawang Serbisyo sa Tayabas

Tayabazen Digital Platform 2.0: Bagong Teknolohiya para sa Mas Mabilis at Maginhawang Serbisyo sa Tayabas
24 Mar 2025

News

Technology

Tayabazen Digital Platform 2.0: Bagong Teknolohiya para sa Mas Mabilis at Maginhawang Serbisyo sa Tayabas

Buong pagmamalaking ipinasilip ng OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section sa pamumuno ni Information Technology Officer Raymond S. Bermudez ang Tayabazen Digital Platform 2.0 at ang features ng digital application na ito ngayong Lunes, March 24, 2025.

Ang Tayabazen Digital Platform 2.0 ay isang makabagong teknolohiya na magagamit ng mga Tayabasin para higit na mapadali at mga transaksyong kanilang kailangan sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas. Mayroong apat (4) na Digital Kiosk na ilalagay sa New Tayabas City Hall at City Health Office Annex Building.

Masayang inanunsyo ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na sa mga susunod na mga araw ay magagamit na ang bagong Tayabazen Digital Platforn 2.0 na magpapadali sa mga Tayabasin na makipagtrasaksyon sa mga tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.
SHARE ON
Scroll to Top