02
Oct 2024
News
864 TUPAD BENEFICIARIES, SUMAILALIM SA ORIENTATION, LUMAGDA SA KONTRATA
Isinagawa ngayong Lunes, September 30, 2024 ang orientation at contract signing ng walundaan animnapu’t apat (864) na panibagong batch ng TUPAD beneficiaries na magtatrabaho ng sampung (10) araw at sasahod ng P5,200 sa ilalim ng Tulong Pangkabuhayan para sa ating (TUPAD) workers mula sa iba’t-ibang barangay sa Lungsod ng Tayabas.
Masayang hinarap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga beneficiary para magbahagi ng kanyang mensahe kasama sina Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Carmelo Cabarrubias at Konsehal Luz Cuadra. Lubos din ang pasasalamat niya sa mga taong naging katuwang ng Pamahalaang Lokal ng Tayabas na si Congresswoman Ana Villaraza-Suarez ng Alona Partylist na silang nagbigay ng pondo para patuloy na makapagbigay ng tulong pangkabuhayan sa mga mamamayan ng Tayabas.
Pinangunahan ni PESO Manager-Designate Malou Dichoso Montoya katuwang ang mga tauhan ng DOLE at si James Bryan Tena ng Alona Partylist ang orientation at contract signing.