TINGNAN || SENATOR PIA CAYETANO NAGKALOOB NG P900,000 CASH AID SA MGA INDIVIDUAL-IN-CRISIS-SITUATION.

TINGNAN || SENATOR PIA CAYETANO NAGKALOOB NG P900,000 CASH AID SA MGA INDIVIDUAL-IN-CRISIS-SITUATION.
24 Apr 2024

News

Sandaang (100) buntis, sandaang (100) barangay health workers at sandaang (100) menopausal ladies na Tayabasin ang tumanggap ng tig-P3000 cash aid to individual-in-crisis-situation mula kay Senator Pia Cayetano, ngayong Miyerkules, April 24, 2024 sa Silungang Bayan ng Tayabas.
 
Kahit gipit sa oras sa dami ng commitment ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ay pinilit niyang pumunta sa isinasagawang Maternal and Healthcare Seminar, and Payout of AICS para makadaupang palad ang 300 kababaihangTayabasin na beneficiary ng tulong buhat kay Senator Pia Cayetano.
 
Ipinarating niya ang pasasalamat sa senadora sa pamamagitan ng kanyang kinatawan na si Political Officer Lanze Alzate na siya namang nagpahayon ng mensahe ni Senator Pia Cayetano sa mga buntis, BHW at menopausal ladies.
 
Nagsilbing seminar speaker naman si Dr. Vivian Eustaquio na nagbigay ng dagdag kaalaman sa mga nanay, Barangay Health Workers, menopausal ladies at mga medical frontliners. Nagbigay din ng kanya-kanyang mensahe sina Konsehal Elsa Rubio, Luz Cuadra, Melo Cabarrubias at OCM-MHMERT Team Leader Dr. Ma. Graciela Derada-De Leon.
SHARE ON
Scroll to Top