SERBISYONG REYNOSO CARAVAN DUMAYO SA BARANGAY ILAYANG ALSAM.

SERBISYONG REYNOSO CARAVAN DUMAYO SA BARANGAY ILAYANG ALSAM.
30 Oct 2024

Health

News

SERBISYONG REYNOSO CARAVAN DUMAYO SA BARANGAY ILAYANG ALSAM.

Barangay Ilayang Alsam ang pinagdausan ng Serbisyong Reynoso Caravan ngayong Martes, October 29, 2024 kung saan nakinabang sa libreng medical consultation, ECG.X-ray, Ultrasound at iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic services at dental services ang mga Alsamin.
 
Nagsagawa din ng offsite services ang tanggapan ng City Health Office-Dental Section, City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library, City Veterinary Office at Public Employment Services Office (PESO). Nagsagawa naman ang OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section ng App Registration and Issuance ng Tayabazen Card.
 
Ginamit din ang CICRO Audio-Visual Truck para sa health information campaign.
 
Katulong ng OCM-MHMERT at mga katuwang na tanggapan ng lokal na pamahalaan ang mga BHW at miyembro ng Sangguniang Barangay ng Ilayang Alsam sa pagsasagawa ng Srbisyong Reynoso Caravan sa kanilang lugar.
 
Ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay sa pagpapahalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin dahil isa ito sa HEART agenda ng administrasyon ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.
SHARE ON
Scroll to Top