TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN SA BARANGAY ILAYANG ILASAN.

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN SA BARANGAY ILAYANG ILASAN.
24 Jul 2024

Health

News

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN SA BARANGAY ILAYANG ILASAN.

TINGNAN || SERBISYONG REYNOSO CARAVAN SA BARANGAY ILAYANG ILASAN.
 
Mga “Ilasanin” ang nakinabang sa serbisyong handog ng Serbisyong Reynoso Caravan ngayong Martes, July 23, 2024. May libreng konsultasyon, ECG, X-ray at iba’t-ibang uri ng laboratory services at diagnostic services mula sa OCM-MHMERT sa pangunguna ni Assistant City Heath Officer Dr. Graciela D. De Leon.
 
Nandoon din para mabigay ng libreng dental services ang mga tauhan ng CHO-Dental Section. Maging ang mga tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library at City Veterinary Office ay naghatid ng kanilang serbisyo para sa mga taga Barangay Ilayang Ilasan.
 
Mas pinabilis din ang pagpaparehistro ng Philippine Identification Card o National ID dahil sa kasabay na onsite service ng mga tauhan ng Philippine Statistics Authority Office. Maging ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card ay isinagawa din sa nasabing lugar ng mga tauhan ng OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section.
 
Nagpadala naman si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ng kanyang kinatawan para magbigay ng kanyang mensahe “na sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin. At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan nating lahat.”
SHARE ON
Scroll to Top