SERBISYONG REYNOSO CARAVAN DUMAYO SA BARANGAY PANDAKAKI.

SERBISYONG REYNOSO CARAVAN DUMAYO SA BARANGAY PANDAKAKI.
11 Sep 2024

Health

News

SERBISYONG REYNOSO CARAVAN DUMAYO SA BARANGAY PANDAKAKI.

Malaking tulong sa mga residente ng Barangay Pandakaki ang inilapit na Serbisyong Reynoso Caravan sa Multi-Purpose Hall ngayong Martes, September 10, 2024, kung saan marami sa kanila ang nakapagpakonsulta sa doktor, ECG, X-ray, iba’t-ibang uri ng laboratory, diagnostic at dental services.
 
Nagsagawa din ng offsite services ang tanggapan ng City Health Office-Dental Section ng paglilinis at pagbunot ng sirang ngipin. Samantalang may serbisyo din ang City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library, City Environmental and Natural Resources Office (CENRO), at Public Employment Services Office (PESO). Mas pinabilis din ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card ng mga tauhan ng OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section.
 
Pinamahalaan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team sa pamumuno ni MHMERT Team Leader/Assistant City Health Officer Ma. Graciela Derada-De Leon, MD, ang Serbisyong Reynoso Caravan.
SHARE ON
Scroll to Top