04
Sep 2024
Suspendido man ang pasok sa gobyerno ngayong araw ay tuloy pa rin ang pagseserbisyo ng mga tauhan ng Serbisyong Reynoso Caravan sa Barangay Calumpang, kung saan maraming residente ng Golden Heights ang nakinabang sa libreng konsulta, ECG, X-ray, iba’t-ibang uri ng laboratory and diagnostic services. Gayundin ang serbisyo ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), at dental services ang City Dental Office. Maging ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card ay doon na rin isinagawa ng mga tauhan ng OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section.
Ang lubos na nagpasigla sa mga residente ay ang pagdating ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa caravan kung saan nagbigay siya ng pambili ng materyales para sa pagsasaayos ng kanilang basketball court. Masigla ring nakipagkumustahan si Mayor Lovely sa mga residente ng Golden Heights.
Pinamahalaan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team sa pamumuno ni MHMERT Team Leader/Assistant City Health Officer Ma. Graciela Derada-De Leon, MD, ang Serbisyong Reynoso Caravan ngayong Martes, September 3, 2024.