
20
Mar 2025
Health
News
WALUMPUNG TSUPER, SUMAILALIM SA LIBRENG BODY FAT AND WELLNESS CHECK-UP AT IBA PANG HEALTH SERVICES SA DRIVER’S HEALTH AWARENESS DAY

Walumpung (80) Tayabasing tsuper ng pampasaherong sasakyan ang sumailalim sa libreng body fat and wellness check-up, libreng konsultasyon, gamot, laboratory procedures, ECG, chest x-ray, at ultrasound sa isinagawang Driver’s Health Awareness Day ngayong Huwebes, March 20, 2025, sa Trading Post ng Tayabas Public Market.
Muling isinakatuparan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang kanyang pangako na maalagaan ang kalusugan ng mga Tayabasin kabilang na ang mga driver ng pampasaherong sasakyan, dahil sa bawat araw ng pagmamaneho para kumita ng ikabubuhay ay kailangan malusog at siguradung makakauwi sa pamilya ng ligtas at buhay.
Bukod sa serbisyong pangkalusugan, nagkaroon din ng On-Site Job Application ang Public Employment Service Office (PESO) sa mga nais magkaroon ng trabaho. Nag-issue rin ng Tayabazen Pink Card ang mga kawani ng OCM-ICT section.
Pinamahalaan ng OCM-MHMERT sa pamumuno ni Assistant City Health Officer Dr. Maria Graciela D. De Leon ang Driver’s Health Fair and Awareness Day.

