18
Dec 2024
Agriculture
News
P1,143,471.90 WORTH OF INDEMNITY CHEQUES BUHAT SA PHILIPPINE CROP INSURACE CORPORATION, IPINAMAHAGI SA MGA TAYABASING MAGSASAKA NA NASALANTA NG BAGYONG KRISTINE ANG MGA PANANIM.
Dalwandaang (200) magsasakang Tayabasin ang tumanggap ng indemnity checks mula sa Philippine Crop Insurance Corporation-Regional Office 4 na may katumbas na halaga ng tulong bunsod ng salantang dulot sa pananim ng bagyong Kristine.
Ginawa ang pay-out sa New Tayabas City Hall ngayong Miyerkules, December 11, 2024 kung saan pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamamahagi ng indemnity benefits sa mga nasalantang magsasaka, kasama sina Konsehala Luz Cuadra at City Agriculturist Rommel Abuyan.
Ang mga tauhan mula sa Philippine Crop Insurance Corporation at City Agriculture Office ang nagsaayos ng pamamahagi.