
19
Mar 2025

Nasaksihan ni Makati City Mayor Abby Binay ang pamamahagi ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ng sandaa’t limampung (150) alagaing manok sa labinlimang (15) magsasaka, at dalwampung (20) alagaing biik sa sampung (10) magsasakang Tayabasin.
Bahagi ang pamamahagi ng alagaing hayop sa priority agenda ng administrasyon ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na mapalago ang agrikultura.
Patuloy ang suporta ng pamahalaan sa mga proyekto ng Office of the City Agriculturist na aktibong tumutugon sa mga kahilingan ng mga magsasaka. Isa na rito ang pamamahagi ng mga native chicken at native pigs para alagaan at paramihin ng magsasaka mula sa iba’t-ibang Barangay sa Lungsod ng Tayabas.
Pinamahalaan ng mga kawani ng Office of the City Agriculturist ang pamamahagi ng native chicken at biik ngayong araw, March 19, 2025 sa bukana ng New Tayabas City Hall.

