24
May 2024
Agriculture
News
TINGNAN || MAGKAPARES NA BULAW, IPINAMAHAGI SA MGA TAYABASING HUMILING NG ALAGAING BIIK.
TINGNAN || MAGKAPARES NA BULAW, IPINAMAHAGI SA MGA TAYABASING HUMILING NG ALAGAING BIIK.
Dalawampu’t apat (24) na native piglets ang ipinamahagi sa labindalwang (12) Tayabasin na humiling kay Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ng alagaing bulaw (young suckling piglet) para kanilang paramihin. Isinagawa ang pamamahagi sa New Tayabas City Hall ngayong Biyernes, May 24, 2024.
Nananatiling priority agenda ng Administrasyon ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pagpapalago ng agrikultura kaya patuloy ang suporta sa mga proyekto ng Office of the City Agriculturist na aktibong tumutugon sa mga kahilingan ng mga magsasaka. Isa na rito ang pamamahagi ng mga “paiwing” native biik para alagaan at paramihin ng magsasaka mula sa iba’t-ibang Barangay sa Lungsod ng Tayabas.
Naisakatuparan ang nasabing proyekto matapos pondohan ng pamahalaang lokal ang pambili ng mga baboy ayon sa bilang ng kahilingang natanggap mula sa mga magsasakang Tayabasin.