14
Aug 2024
TINGNAN || “BAGA AY INGATAN, VAPE AT YOSI AY IWASAN”
Tatlundaan pitumpung (370) mag-aaral ng Colegio de la Ciudad de Tayabas ang aktibong dumalo sa isinagawang Anti-Vaping/Smoking Caravan na inorganisa ng OCM-MHMERT sa Silungang Bayan ng Tayabas ngayong Lunes, August 12, 2024.
Naging resource speaker si Dra. Honesta Angela D. Villaluna para bigyan ng kaalaman ang mga mag-aaral ng CCT upang makaiwas sa paggamit ng vape at sigarilyo. Gayundin upang maiwasan ang mga sakit na maaaring idulot nito sa kanilang katawan at sa mga taong nasa paligid nila habang naninigarilyo o vape.
Nagtungo si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa Anti-Vaping/Smoking Caravan upang personal na makadaupang palad ang mga bagong mag-aaral ng Colegio de la Cuidad de Tayabas.
Nandoon din sina Assistant City Health Officer Dra. Maria Graciela D. De Leon, CCT Administrator Dr. Melchor Melo O. Placino at Sanitation Inspector Rommel Sate.