Barangay Nutrition Scholars ng Tayabas, Idinaos ang General Assembly 2025 at Ginawaran ng Pagkilala

Barangay Nutrition Scholars ng Tayabas, Idinaos ang General Assembly 2025 at Ginawaran ng Pagkilala
14 Mar 2025

Events

News

Barangay Nutrition Scholars ng Tayabas, Idinaos ang General Assembly 2025 at Ginawaran ng Pagkilala

Nagdaos ng General Asaemby meeting ang mga kasapi ng Barangay Nutrition Scholars of Tayabas, Inc. sa Silungang Bayan ng Tayabas ngayong Biyernes, March 14, 2025.
 
Inilahad ni BNSTInc. President Ma. Cecilia G. Teoxon ang Annual Accomplishment Report para sa taong 2024. Binigyan din ng pagkilala ang labindalawang BNS na may 5 years in service; siyam na 10 years in service; isang 15 years in service; at isang 20 years in service.
 
Nakiisa sa pagtitipon si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso upang personal na magpasalamat at makadaupang palad ang mga BNS na silang nagiging katuwang ng Pamahalaang Lokal sa pangangalaga ng nutrisyon ng bawat kabataang Tayabasin.
 
Nandoon din sina Konsehal Luz Cuadra, Konsehal Carmelo Cabarrubias, at kinatawan ng Konsehal Elsa Rubio.
Ang tanggapan ng City Nutrition Section sa pamumuno ni CNAO Marinel Zaporteza-Chong ang gumabay sa programa.
SHARE ON
Scroll to Top