27
Oct 2023
Oct. 23, 2023
FLAG RAISING CEREMONY
New Tayabas City Hall Building, Barangay Baguio.
Isinagawa ang Flag Raising Ceremony para sa ika-apat na Lunes ng buwan ng Oktubre 2023, na pinangunahan ng Colegio De La Ciudad De Tayabas sa New Tayabas City Hall sa Barangay Baguio ngayong umaga.
Dumalo sa seremonya si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama ang mga Konsehal na sina Elsa Rubio, Carmelo Cabarrubias, at Rommel Barrot. Samantalang si Sister Aida Pangilinan, MCST ang namuno sa pangkalahatang panalangin katulong si Ptr. Joe Byron Tacliad.
Matapos ang seremonya ng pagtataas ng watawat at panunumpa ay naghandog ng isang cultural dance presentation ang mga mag-aaral mula sa Colegio De La Ciudad De Tayabas.
Sa pangalawang bahagi ay binigyang-daan ang paggawad ng pagkilala sa ( 8 ) mga natatanging kawani ng pamahalaan na tinanghal bilang Model Public Service Providers for the Month of September na sina Emma R. Laplana, John Carlo P. Cablaida, Rowena L. Cabriga, Sharon S. Pernia, Grace D. Lacorte, Jayson R. Zarsaga, Evangeline M. Roxas at Aira R. Tabernilla.
Binigyan din ng parangal ang mga batang nagkamit ng medalya sa ginanap na 1st Cavite Karatedo Dojo Championship sa Robinson’s Mall Novaliches na sina Toni D. Barquilla na nagkamit ng Gold sa Team Kata, Gold sa Kata at Bronze sa Kumite Categor; nakamit naman ni Mizcha Valderamos at Marby Mae Biazon ang Gold at Broneze Medal sa Kata at Kumite Category; si Nian G. Pabilando ay nagkamit ng Silver Medal sa Kata Category at Bronze Medal sa Kumite Category; sa Grand Masters Kata Category ay nakamit ni Sensi Ricardo Reyes ang Gold Medal; sa Kumite Category ay nakamit nila Matt Rydel Cristobal, GM Sartin at Aldrix Rein P. Patawaran ang Bronze Medal; at sa Kata Category ay nakamit nila Jilian Orias at Foran Einis D. Mabuting ang Bornze Medal.
Isinara ang palatuntunan sa pangwakas na pananalita ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na malugod na binati ang Colegio De La Ciudad De Tayabas sa kanilang 3rd Charter Anniversary at muling pinaalalahanan ang mga kawani na patuloy na maglingkod na may ngiti sa labi. At ang palaging isabuhay ang Serbisyong may Puso.