21
Dec 2023
Events
News
GAWAD KALASAG SEAL OF EXCELLENCE TO CITY OF TAYABAS AS FULLY COMPLIANT LDRRMCO; AND GAWAD KALASAG SEAL OF EXCELLENCE TO TAYABAS CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL SA 23rd GAWAD KALASAG AWARDING CEREMONY.
TINGNAN || GAWAD KALASAG SEAL OF EXCELLENCE TO CITY OF TAYABAS AS FULLY COMPLIANT LDRRMCO; AND GAWAD KALASAG SEAL OF EXCELLENCE TO TAYABAS CITY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL SA 23rd GAWAD KALASAG AWARDING CEREMONY.
Muling kinilala ang Lungsod ng Tayabas sa panibagong parangal na iginawad sa katatapos na 23rd Gawad KALASAG Seal and Special Awards for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management and Humanitarian Assistance Awarding Ceremony-Calabarzon Region ngayong Miyerkules, December 20, 2023, sa Twin Lakes Hotel, Laurel, Batangas.
Kapwa binigyang parangal na Gawad Kalasag Seal of Excellence as Fully Compliant ang City of Tayabas at ang Tayabas City Disaster Risk Reduction and Management Council sa nasabing awarding ceremony.
Tinanggap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at CDRRM Officer Rosario Bandelaria ang Plaque of Gawad KALASAG Seal of Excellence to City of Tayabas as Fully Compliant LDRRMCO buhat sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, at ang Certificate of Gawad KALASAG Seal of Excellence to Tayabas City Disaster Risk Reduction and Management Council as Fully Compliant buhat sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council-Calabarzon.
Idineklarang “Fully Compliant” LDRRMCO ang Lungsod ng Tayabas matapos makakuha ng 2.22 rating sa 23rd National Gawad KALASAG Committee na pinamumunuan ni USec Ariel F. Nepomuceno, Executive Director ng NDRRMC. Samantalang nakamit ng Tayabas City DRRMC ang Seal of Excellence matapos pumasa sa panuntunan ng Regional DRRM Council Calabarzon na pinamumunuan ni OCD Calabarzon Regional Director Carlos Eduardo E Alvarez III.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng masidhing pagtutok ng DRRM Council sa disaster resilience ng Lungsod ng Tayabas sa pamumuno ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at sa mahusay na pamamahala ni CDRRMO Rosario P. Bandelaria.
Kabilang din ang Lungsod ng Lucena at labing-apat (14) pang mga bayan sa Lalawigan ng Quezon sa mga nakatanggap ng Gawad KALASAG Seal of Excellence as Fully Compliant. Samantalang Gawad KALASAG Seal of Excellence as Beyond Compliant ang natanggap na pagkilala ng Province of Quezon DRRMCO.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 13 hours ago
TINGNAN || 300 PACKS OF RELIEF GOODS, NATANGGAP...
- Health|
- 13 hours ago
TINGNAN || INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024
- Health|
- 2 days ago