04
Dec 2023
TINGNAN || HALAGANG P325,200 NA AYUDA ANG IPINAMAHAGI SA 91 INDIVIDUAL-IN-CRISIS-SITUATION (AICS).
Siyamnapu’t isang (91) indibidwal na dumaraan sa kakapusan ng pangtustos sa pambili ng gamot, gatas at pampalibing ng namayapang kamag-anak ang tumanggap ng Aid for Individual in Crisis Situation (AICS) sa ginawwang pay-out ngayong Lunes, December 4, 2023.
Pinangunahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama si CSWDO Irma C. Ilocario sa pamimigay ng tulong sa mga kinakapos na kababayan sa ginawang pay-out sa New Tayabas City Hall.
Ipinaramdam ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pagmamalasakit sa mga nahihirapan nating kababayan sa nilalaman ng kanyang mensahe na handang tumulong ang pamahalaan at sinabing paglipas ng anim na buwan ay maaari silang muling mag-asikaso ng paghingi ng ayuda sa City Social Welfare and Development Office kung patuloy na mangangailangan.
Umabot sa halagang tatlundaan dalwampu’t limang libo dalwandaang piso (Php325,200) ang ipinamahaging tulong sa mga benepisyaryo. Tatlumpu’t siyam (39) para sa Senior Citizen’s Medical Assistance, apatnapu’t lima (45) na Medical Assistance for Individuals in Crisis Situation, isa (1) para sa Senior Citizen Burial Assistance, lima (5) naman para sa Burial Assistance for Indigents at isa ( 1 ) rin para sa Milk Assistance.
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 22 hours ago
TINGNAN || 300 PACKS OF RELIEF GOODS, NATANGGAP...
- Health|
- 22 hours ago
TINGNAN || INDIGENOUS PEOPLES’ GAMES 2024
- Health|
- 3 days ago