MAYOHAN SA TAYABAS || GAMUTAN SA MAYOHAN: MGA MAGNINIYOG ATING ALAGAAN MEDICAL AND DENTAL MISSION.

MAYOHAN SA TAYABAS || GAMUTAN SA MAYOHAN: MGA MAGNINIYOG ATING ALAGAAN MEDICAL AND DENTAL MISSION.
14 May 2024

Events

Health

News

MAYOHAN SA TAYABAS || GAMUTAN SA MAYOHAN: MGA MAGNINIYOG ATING ALAGAAN MEDICAL AND DENTAL MISSION.

MAYOHAN SA TAYABAS || GAMUTAN SA MAYOHAN: MGA MAGNINIYOG ATING ALAGAAN MEDICAL AND DENTAL MISSION.
 
Pahinga muna sa pangangawit, pananapas at pagkakalibkib ang mga magniniyog na Tayabasin upang ang kanilang kalusugan naman ang atupagin ngayong Lunes, Mayo 13, 2024.
 
Kasalukuyang nagtitipon sa Silungang Bayan ang mga Tayabasing magniniyog para sa isinasagawang Medical and Dental Mission: Gamutan sa Mayohan, Mga Magniniyog Ating Alagaan, kung saan sasailalim sila sa libreng konsulta at mga kaukulang gamot, libreng bunot ng ngipin at iba pang serbisyong medikal.
 
Ang Gamutan sa Mayohan ay inorganisa ng Office of the City Mayor-MHMERT sa pamamatnubay ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, bilang pakikiisa sa Mayohan sa Tayabas Festival 2024, sa pakikipagtulungan ng City Health Office, QPL-SBPL, PCCI-QPI, Giant, Mister Donut, The Wheel, TCMC, Pamilya Dadia, QMC at LUSOB, Philippine Army 2nd Infantry Division, TCHI at LPIHS Alumni Association.
 
Dumaan sa konsultasyon at pagbibigay ng karampatang gamot ang mga pasyente na sinuri nina Dr. Hernando Marquez, Dr. Maria Graciela Derada-De Leon, Col Mailyn Panganiban, MD, Dr. Mara Quinto, Dr. Dana Nadres, Dr. Elmo Sugay, Dr. RJ Ramos, Dr. Fe Placina, Dr. Cherylle Habito, Dr. Carmelita Pumida, Dr. Krys Angelo Toledo, Dr. Maria Rica Joy Luna, Dr. Edwilyn Magino-Urquiola, Dr. Samantha Mortos, Dr. Lloyd Vinci Lazaro at MAJ Mukramel Hadjula, MD, na pawang mga espesyalista sa iba’t-ibang uri ng karamdaman.
SHARE ON
Scroll to Top