TINGNAN || LIMANG LIBO DALWANDAANG PISONG SAHOD, NATANGGAP NA NG MGA TUPAD BENEFICIARY.

TINGNAN || LIMANG LIBO DALWANDAANG PISONG SAHOD, NATANGGAP NA NG MGA TUPAD BENEFICIARY.
11 Jan 2024

Events

News

TINGNAN || LIMANG LIBO DALWANDAANG PISONG SAHOD, NATANGGAP NA NG MGA TUPAD BENEFICIARY.

TINGNAN || LIMANG LIBO DALWANDAANG PISONG SAHOD, NATANGGAP NA NG MGA TUPAD BENEFICIARY.
 
Sandaan siyamnapu’t anim (196) na DOLE-Tulong Panghanapbuhay Para Sa Ating Displaced/Disadvantaged Workers (TUPAD) beneficiaries ang tumanggap ng kanilang sahod para sa sampung araw (December 15-28, 2023) na paglilinis ng kapaligiran na nagkakahalaga ng five thousand two hundred pesos (P5,200) sa ginawang payout ngayong Miyerkules, January 10, 2024, sa Atrium ng New Tayabas City Hall.
 
Sandaan limampu’t anim (156) sa mga benepisyaryo ay tumanggap ng sahod buhat sa pondo ni Senator Mark Villar. Samantalang apatnapu (40) naman ang nagbuhat sa pondo ni BHW Partylist Representative Angelica Natasha Co.
 
Naging pagkakataon din ang salary payout event para makapagbahagi ng mensahe sa mga benepisyaryo ang ilan sa mga namumuno sa Lungsod ng Tayabas na sina Konsehal Elsa Rubio, Konsehal Dino Romero at BHW President Jamil Mora bilang kinatawan ng BHW Partylist.
 
Sa mensahe ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ay muli siyang nagpasalamat sa mga opisyal ng national government na naglalagay ng pondo para may dagdag kita ang mga Tayabasin. Maliit man aniya ay malaking tulong na rin ito para sa pang-araw-araw ng pamumuhay.
Nagsilbing tagapagpadaloy ng programa si PESO Manager Malou Montoya at DOLE Tupad Coordinator Angelica Cuario.
SHARE ON
Scroll to Top