31
May 2024
Agriculture
News
TINGNAN || MGA MAGSASAKANG TAYABASIN NA NASALANTA NG BAGYONG AGHON, TUMANGGAP NG AGRICULTURAL INTERVENTION.
TINGNAN || MGA MAGSASAKANG TAYABASIN NA NASALANTA NG BAGYONG AGHON, TUMANGGAP NG AGRICULTURAL INTERVENTION.
Umabot sa P16,161,478 ang halaga ng tulong mula sa Department of Agriculture-Region 4A para sa dalwanlibo tatlundaan at labinwalong (2,318) magsasaka ng palay, mais at gulay na Tayabasin.
Naganap ang pamamahagi ng agricultural intervention sa mga magsasakang nasalanta ng bagyo ngayong Biyernes, May 31, 2024 sa Barangay Lakawan, Tayabas City. Dumalo doon sina Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida, Konsehal Luz Cuadra at City Agriculturist Rommel Abuyan bilang mga kinatawan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso.
Naisakatuparan ang pamimigay ng tulong sa mga magsasaka sa pamamagitan ni Quezon 1st District Representative Mark Enverga at Tayabas City Agriculture Office. Kinapapalooban ang agricultural intervention ng mga pananim na binhi, fertilizers, kagamitan sa pagsasaka, at iba pang tulong buhat sa Department of Agriculture.