20
May 2024
Events
News
TINGNAN || OPEN HOUSE NG TAYABAS SATELLITE MARKET, MAGPAPATULOY HANGGANG NGAYONG HAPON NG LUNES, MAY 20, 2024.
TINGNAN || OPEN HOUSE NG TAYABAS SATELLITE MARKET, MAGPAPATULOY HANGGANG NGAYONG HAPON NG LUNES, MAY 20, 2024.
Dumalo sa Open House ng Tayabas Satellite Market ang mga negosyante buhat sa Lungsod ng Tayabas at mga karatig-bayan ng Lucena, Candelaria, Lucban, Sariaya at Pagbilao. Karamihan sa mga dumating ay market vendors, eatery owners, merchandise shop operators at small business owners. Gayundin ang mga may-ari ng pangunahing negosyo dito sa Lungsod ng Tayabas.
Dumating din ang mga opisyal ng Barangay Wakas at Barangay Lita, mga miyembro ng Philippine Chamber of Commerce and Industry-Tayabas Chapter at mga kinatawan ng iba’t-ibang transport organization.
Pinangunahan naman ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga kasamahang opisyal ng lokal na pamahalaan na dumalo sa okasyon kabilang sina Konsehal Elsa Rubio at Luz Cuadra, Former LnB President Rommel Barrot, mga miyembro ng Preparatory Committee for the Operation and Management of the Satellite Market, at mga pinuno at kawani ng mga lokal na tanggapan.
Nagkaroon ng pagkakataon ang mga dumalo na ikutin ang kabuuan ng Tayabas Satellite Market na binubuo ng dalawang gusali na may tig-tatlong palapag at nakinig sa maikling programa kung saan tinalakay ang mga detalye at mahahalagang impormasyon kaugnay ng operasyon ng satellite market.
Bagama’t naipresinta sa programa ang proposed rates sa upa ng mga espasyo ay naging malinaw sa mga dumalo na sa kasalukuyan ay hinihintay pa na maipasa ng Sangguniang Panlungsod ang ordinansang nagtatakda sa taripa ng upa at iba pang bayarin bago maging pinal ang pagpapatupad nito. Sa ordinansang ipapasa ng Sangguniang Panlungsod din nakasalalay kung kailan pormal na magsisimula ang operasyon ng Tayabas Satellite Market.