19
Apr 2024
Events
Health
News
TINGNAN || P10M CASH ASSISTANCE, OPTICAL CHECK AND EYEGLASSES, DENTAL MISSION, AICS AND WHEELCHAIRS, HANDOG NI SENATOR FRANCIS “TOL” TOLENTINO SA MGA TAYABASIN.
TINGNAN || P10M CASH ASSISTANCE, OPTICAL CHECK AND EYEGLASSES, DENTAL MISSION, AICS AND WHEELCHAIRS, HANDOG NI SENATOR FRANCIS “TOL” TOLENTINO SA MGA TAYABASIN.
Bukod sa P2,000 Aid to Individual in Crisis Situation (AICS) para sa 600 benepisyaryong Tayabasin, at anim (6) na wheelchairs para sa mga PWDs, nag-iwan din ng commitment si Senator Francis “Tol” Tolentino ng iba pang tulong sa Lungsod ng Tayabas nang siya ay dumalaw sa lungsod ngayong Huwebes, April 18, 2024.
Nangako ang senador na babalik siya sa Oktubre para magdala ng optical and dental mission na tutulong sa kalusugan ng mga Tayabasin. Magbibigay siya aniya ng mga salamin sa mata at mga pustiso sa mga nangangailangan.
Subalit ang higit na ikinagalak ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at ng mga taong dumalo sa AICS Payout and Donation of Wheelchairs ay ang pagbibigay ni Senator Tolentino ng P10M na tulong sa Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas para sa pagpapatayo ng Bulwagan ng Mamamayan.
Ayun kay Senator Tolentino, lahat ng ito ay nangyari dahil sa pagpupursigi ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na personal na humiling sa kanya ng tulong para sa mga Tayabasin.
Naganap ang ceremonial payout sa Atrium ng New Tayabas City Hall kung saan dumalo sa okasyon kasama ni Senator Francis “Tol” Tolentino sina Vice Governor Third Alcala, Former Mayor Oliver Dator at Jeb Isaac Tolentino. Samantalang sina Mayor Lovely Reynoso-Pontioso, City Administrator Diego Narzabal at CSWDO Irma Ilocario ng tumanggap sa mga bisita ng lungsod.