18
Jul 2024
Events
News
TINGNAN | Tatlong malalaking proyekto ang ilulunsad ngayong July 17, 2024 sa Lungsod ng Tayabas, sa pamamagitan ng “Digital Tayabas City Day” na may temang “Unveiling the Digital Transformation of the City of Tayabas”.

Sa unang bahagi ng programa, lalagdaan ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng LGU Tayabas City at GCash, at LGU Tayabas City at Landbank, para sa implementasyon ng Digital Payment Scheme.
Kasunod namang isasagawa ang presentasyon ng Integrated Barangay Civil Registration System (iBCRIS) Project, at ang turn-over nito sa LGU Tayabas City mula sa Department of Science and Technology-Philippine Council for Industry, Energy, and Emerging Technology Research and Development (DOST-PCIEERD).
Ilulunsad din sa Lungsod ang Tayabas Free Public WIFI Phase 2.
Kaisa din sa nasabing dumalo ang ating former Senator Bam Aquino, former Senator Kiko Pangilinan, at Atty. Chel Diokno. | via Mara Grezula, RP1 Lucena
ctto
Interns: Alyssa De Ramos, SHC | Jireh Casionan, MSEUF
Related Articles
Popular Category
Recent Posts
- Health|
- 2 weeks ago