11
Jul 2024
TINGNI || MGA KAWANI NG LGU BAGUIO CITY, DUMALAW SA TANGGAPAN NI MAYOR LOVELY.
Kasalukuyang nasa Lungsod ng Tayabas ang ilan sa mga kawani ng Local Government of Baguio City, partikular ang mga tauhan ng Office of the City Treasurer para sa tatlong araw na benchmarking activities.
Dumalaw ang mga ito sa Tanggapan ng Punong Lungsod kung saan malugod silang tinanggap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ngayong umaga ng Miyerkules, July 10, 2024.
Matapos ang maikling pakikipagkwentuhan kay Mayor Lovely ay dumalaw naman ang mga bumibisitang lingkod bayan sa Session Hall ng Sangguniang Panlungsod at City Treasurer’s Office kung saan nakadaupang palad nila si Vice Mayor Rosauro “Oro” Dalida at Acting City Treasurer Benilda De Guzman.
Ang delegasyon ng mga kawani buhat sa Bagiuo ay pinamumunuan ni Sherwin Mole bilang representative ni City Treasurer Alex Cabarrubias na hindi nakasama sa kanilang lakbay-aral.