28
Dec 2023
Dec. 28, 2023
WALONG MILLIONG HALAGA NG ABONO SA PALAY, IPINAMIGAY.
Malaking tulong para sa Dalawang Libot’t Tatlong daan (2,300) na Tayabasing magsasaka ng palay ang natanggap na libreng abono buhat sa Department of Agriculture sa pamamagitan ng tanggapan ni Quezon First District Representative Mark Enverga at Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas.
Humigit-kumulang Dalwang Libo’t tatlong daang magsasaka ang nagtipon sa Barangay Lakawan Covered Court, para tanggapin ang voucher na siyang ipapalit para maiuwi ang abono na sapat sa lawak ng kanilang sinasakang palayan kaninang umaga.
Ang naganap na pamamahagi ng fertilizer sa mga magsasaka ay bahagi ng mga prayoridad na programa ng Reynoso Administration na ngayon ay patuloy na isinusulong ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa pamamagitan ng City Agriculture Office.
Sinaksihan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang pamamahagi kasama ang Representative ni Cong. Mark Enverga na si Mel Ladines, Kapitan Zenny Lubiano, DA APCO Quezon Camille Ofalsa, DA APCO Quezon Mariette Dacillo at City Agriculturist Rommel Abuyan.