19
Jan 2024
Agriculture
Events
News
TINGNAN || FERTILIZER DISCOUNT VOUCHER (FDV), IPINAMAHAGI SA 354 FARMERS NG LUNGSOD NG TAYABAS PARA SA 847 SACKS OF FERTILIZERS NA NAGKAKAHALAGANG P1.65M BUHAT SA DEPARTMENT OF AGRICULTURE SA PAMAMAGITAN NG TANGGAPAN NI QUEZON 1ST DISTRICT REPRESENTATIVE MARK ENVERGA. MAYOR LOVELY REYNOSO-PONTIOSO AT VICE MAYOR ORO DALIDA, NANGUNA SA PAMAMAHAGI NG MGA ABONO SA MGA MAGSASAKA.

Tatlundaan limampu’t apat (354) na magsasaka ng palay ang tumanggap ng fertilizer discount voucher na gagamitin para matanggap ang kaparte sa 847 sako ng abono buhat sa Department of Agriculture sa pamamagitan ng Tanggapan ni Quezon First District Representative Mark Enverga.
Nanguna si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at Vice Mayor Oro Dalida kasama si City Agriculturist Rommel Abuyan sa pamamahagi ng fertilizes na nagkakahalaga ng isang milyon animnadaan limampung libong piso (1.65M) na sinimulang ipamahagi sa mga magsasakang Tayabasin sa New Tayabas City Hall ngayong Biyernes, January 19, 2024.
Nagpapasalamat si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa patuloy na suporta ng pamahalaang nasyunal sa programang pangsakahan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas na nangungunang prayoridad ng administrasyon ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at pinakikinabangan ng mga magsasakang Tayabasin.