MAMAMAYAN LABAN SA QUARRY (MLQ), NAGSAGAWA NG LAKAD-PANALANGIN.

MAMAMAYAN LABAN SA QUARRY (MLQ), NAGSAGAWA NG LAKAD-PANALANGIN.
04 Dec 2024

News

MAMAMAYAN LABAN SA QUARRY (MLQ), NAGSAGAWA NG LAKAD-PANALANGIN.

Sa kabila ng walang-humpay na buhos ng ulan ay sinamahan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang kapatiran ng MLQ o Mamamayan Laban sa Quarry sa isinagawang Lakad-Dasal para sa Alitao River ngayong Lunes, December 2, 2024.
 
Nagsimulang magtipon ang kapatiran na binubuo ng mga pangkaraniwang mamamayan, pari, madre, layko, kabataan, mag-aaral, guro, magsasaka, kababaihan, manggagawa, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod at kawani ng pamahalaang lokal, bandang alas-sais ng umaga sa Minor Basilica of Saint Michael the Archangel kung saan umusad ang Lakad-Dasal sa nalolooban ng poblacion patungo sa Tulay ng Alitao para doon ganapin ang Banal na Misa na pinamunuan ni Rev. Msgr. Dennis M. Imperial.
 
Muling ipinahayag ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa mga dumalo na kaisa siya ng Mamamayan Laban sa Quarry. “Ako po ay natutuwa dahil madami po ang nakisa para sa labang ito. Dahil hindi lang po ito para sa Lungsod ng Tayabas kundi pati sa buong Lalawigan ng Quezon. Ang ipinaglalaban po natin ay buhay at kinabukasan po ng ating mga anak at kaapo-apohan.”
 
Nakiisa rin sa Lakad-Dasal ang mga opisyal ng Barangay sa Lungsod ng Tayabas, City Environment and Natural Resources Office (CENRO), mga mamayang tutol sa quarry mula sa Sariaya, Pabilao, Lucena, Sampaloc at Atimonan.
SHARE ON
Scroll to Top