
22
Apr 2025
Events
Health
News
PUROKALUSUGAN: LIGTAS NA PAMILYANG PILIPINO WORLD IMMUNIZATION WEEK 2025 ISINAGAWA

Dalwandaang (200) Buntis, Sanggol, Senior Citizens, at 9 to 14 years old na babae ang nagtipon sa Bayanihan Isolation Facility sa Barangay Mateuna ngayong araw, April 22, 2025, para magpabakuna laban sa iba’t-ibang uri ng sakit.
Pinangunahan ni Dr. Hernando C. Marquez, City Health Officer, ang programa kasama ang mga panauhin na siyang nagbigay ng mensahe tungkol sa kahalagahan ng bakuna sa ating kalusugan na sina Dra. Juvy Paz Purino, Provincial DOH Officer, Dra. Lorelie Salonga Provincial Health Officer I, at Dra Rosalie Belen Bonus ng Philippine Pediatric Society -Southern Luzon Tagalog Chapter na nagpatunay na ang pagpapa bakuna ay ligtas at mahalaga.
Ilan sa mga Serbisyo na inihandog sa mga Tayabasin sa tulong ng Department of Health ay ang mga sumusunod: Immunization Services, Nutrition Services, Safe MotherHood Services, HiV Program, at Non-communicable Diseases Program. Sa pagtutulungan ng City Health Office, Provincial Health Office, Department of Health at 18 Barangay Nutrition Scolar at Barangay Health workers.
Kagaya ng palaging pangako na sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin.

