SERBISYONG REYNOSO CARAVAN PUMUNTA SA BARANGAY IPILAN.

SERBISYONG REYNOSO CARAVAN PUMUNTA SA BARANGAY IPILAN.
06 Nov 2024

Health

News

SERBISYONG REYNOSO CARAVAN PUMUNTA SA BARANGAY IPILAN.

“Ang dala-dala po ng Serbisyong Reynoso Caravan ay programang pang-mahabang panahon…mga programang pangmahabang panahon na papakinabangan ng inyong mga anak at ng mga magiging apo pa ninyo. Nasimulan na po ni Mayor Ernida Agrpi Reynoso ang pagpaplano ng isang progresibo at asensadong Tayabas at ipinagpapatuloy nalang po ng inyong lingkod. Sa inyo pong lahat hangad po namin ang inyong magandag kalusugan.”
 
Ito ang mga katagang binanggit ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa isinagawang Serbisyong Reynoso Carvan sa Baragay Ipilan kung saan nakinabang ang mga Ipilanin sa libreng medical consultation, ECG, X-ray, Ultrasound at iba’t-ibang uri ng laboratory and diagnostic services at dental services.
 
Pinangunahan ng OCM-MHMERT and Serbisyong Reynoso Caravan katuwang ang mga tangagapan ng Pamahalaang Lungsod ng Tayabas ngayong Martes, November 5, 2024.
 
Nagsagawa ng offsite services ang tanggapan ng City Health Office-Dental Section, Office of the City Library, City Veterinary Office, City Civil Registry Office at Public Employment Services Office (PESO) sa mga residente ng nasabing lugar.
 
Maging ang mga tauhan ng OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section ay nandoon din para sa App Registration and Issuance ng Tayabazen Card. Samantalang tuloy-tuloy ang information campaign tungkol sa kalusugan at mga programs on health gamit ang CICRO Audio-Visual Truck.
 
Nandoon din ang ilang kinatawan ng AKAY NI SOL upang mamahagi ng noodles at sumbrero sa mga residente ng Ipilan.
 
Naging katuwang ng OCM-MHMERT ang mga BHW at miyembro ng Sangguniang Barangay ng Ipilan sa pamumuno ni Kapitan Rommel C. Lado.
SHARE ON
Scroll to Top