12
Nov 2024
News
USUFRUCT AGREEMENT, KASUNDUANG NAGBIBIGAY NG LEGAL NA KARAPATAN PARA MAGAMIT ANG LUPA SA PAGTATAYO NG POST HARVEST FACILITY, NILAGDAAN NG MGA KINATAWAN NG LGU TAYABAS AT UNITED FARMERS ASSOCIATION.
Lumagda sa Usufruct Agreement sa pagitan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas at United Farmers Association sina Mayor Lovely Reynoso-Pontioso at UFA President Randy F. Zarsaga ngayong Martes, November 12, 2024.
Nakapaloob sa nasabing usufruct agreement ang pagbibigay ng legal na karapatan sa samahan ng mga magsasaka na magamit ang 1,000 metro-kwadradong parsela ng lupa na pag-aari ng gobyerno sa Brgy. Masin.
Nakasaad sa nasabing kasunduan na gagamitin ang nasabing lupa sa pagtatayo ng Post Harvest Facility ng United Farmers Association sa loob ng limampung (50) taon.
Umaasa si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso na lubos na mapapakinabangan ng United Farmers Association ang kasunduan, at naniniwala siya sa mahusay na pamamahala ng samahan sa Post Harvest Facility. Inaasahang magbibigay-daan ang makasaysayang lagdaan na ito, na sinaksihan ni Ruel Caagbay Pagana, sa patuloy na pag-unlad ng pagsasaka sa Lungsod ng Tayabas.