
08
May 2025
Education
News
136 SPES BENEFICIARIES, HANDA NANG MAGSIMULA SA KANILANG 20-DAYS NA PAGTATRABAHO SA MGA TANGGAPAN NG LGU TAYABAS

136 SPES BENEFICIARIES, HANDA NANG MAGSIMULA SA KANILANG 20-DAYS NA PAGTATRABAHO SA MGA TANGGAPAN NG LGU TAYABAS.
Sandaan tatlumpu’t anim (136) na beneficiaries ng Special Program for the Employment of Students (SPES) ang sumalang sa orientation na pinamahalaan ni DOLE-Quezon FO Senior Labor and Employment Officer Abigail P. Gilpo bilang resource speaker ngayong Huwebes, May 8, 2025, sa 3rd Floor Food Court ng Tayabas Satellite Market.
Simula sa Martes, May 13, 2025, ay umpisa na ng kanilang pagtatrabaho sa iba’t-ibang tanggapan ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas na tatagal sa loob ng dalwampung (20) araw.
Ang pondo para sa sahod ng mapapalad na SPES beneficiaries ay paghahatian ng Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Tayabas sa ilalim ng Office of the City Mayor-Public Employment Service Office at Department of Labor and Employment (DOLE).
Naging tagapagpadaloy ng programa si Supervising Labor and Employment Officer Marilou Montoya ng OCM-PESO.

