
07
May 2025
Education
News
ENCYCLOPEDIA OF KNOWLEDGE, CHILDREN’S ENCYCLOPEDIA, IDINONASYON NI MA’AM BELEN DIOLANDA SA TAYABAS CITY PUBLIC LIBRARY

Personal na nag-donate si Gng. Belen P. Diolanda ng dalwampung (20) sets ng Encyclopedia of Knowledge, at sampung (10) sets ng Children’s Encyclopedia sa Tayabas City Public Library ngayong Miyerkules, May 7, 2025.
Tinanggap ni City Librarian Bong Tabarina ang mga nasabing aklat buhat kay Ma’am Belen kasabay ng pasasalamat dahil malaki ang maitutulong nito sa mga gagamit ng aklatan bilang reference material.
Ayun sa nagdonasyon ay malaki ang naitulong sa kanilang pamilya ng mga encyclopedia kaya’t nais niyang ibahagi ito sa iba upang mas mapakinabangan lalo’t higit ng mamamayang Tayabasin.
Si Ma’am Belen Diolanda ay nagtatrabaho sa LGU Tayabas City bilang Day Care Worker.

