INIHATID ANG LIBRENG MEDICAL AT DENTAL SERVICES SA MGA RESIDENTE NG ST. DOMINIC VILLAGE, BARANGAY CALUMPANG.

INIHATID ANG LIBRENG MEDICAL AT DENTAL SERVICES SA MGA RESIDENTE NG ST. DOMINIC VILLAGE, BARANGAY CALUMPANG.
17 Jan 2025

Health

News

Technology

INIHATID ANG LIBRENG MEDICAL AT DENTAL SERVICES SA MGA RESIDENTE NG ST. DOMINIC VILLAGE, BARANGAY CALUMPANG.

Ngayong Biyernes, January 17, 2025 nagtungo ang mga tauhan ng OCM-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (MHMERT) kasama ang mga tauhan ng CHO-Dental Section sa St. Dominic Village, Barangay Calumpang para magsagawa ng libreng medical at dental services.
 
Si Assistant City Health Officer/MHMERT Team Leader Ma. Graciela Derada-De Leon ang nangasiwa sa libreng konsultasyon. Mayroon ding iba’t-ibang uri ng laboratory tests, ultrasound, x-ray, ECG, at libreng gamot. Maging ang ICT Section ay may offsite services para mamahagi ng Tayabazen Card. Tumulong naman ang mga Barangay Health Workers (BHW) ng Barangay Calumpang sa isinagawang Mobile Health Services.
 
Suportado ni Acting City Mayor Rosauro “Oro” Dalida ang isinagawang mobile health services ng OCM-MHMERT.
SHARE ON
Scroll to Top