30
Apr 2024
Health
News
KAALAMAN SA DIET AND NUTRITION, GAMOT SA DIABETES AND HYPERTENSION, AT TAYABAZEN SMART CARD REGISTRATION: “SWEETHEARTS CLUB… MULA SA PUSO, SERBISYONG REYNOSO PO!”
KAALAMAN SA DIET AND NUTRITION, GAMOT SA DIABETES AND HYPERTENSION, AT TAYABAZEN SMART CARD REGISTRATION: “SWEETHEARTS CLUB… MULA SA PUSO, SERBISYONG REYNOSO PO!”
MAHALAGA ANG PAGKAIN AT NUTRISYON dahil ang mga kinakain natin ay nagsusuplay ng mga sustansyang kailangan ng ating katawan upang mapanatili ang ating utak, kalamnan, buto, nerves, balat, sirkulasyon ng dugo, at immune system.
Ito ang ibinahaging kaalaman ni City Nutrition Action Officer Marinel Zaporteza-Chong sa mga kasapi ng SweetHearts Club sa isinagawang “SWEETHEARTS CLUB… MULA SA PUSO, SERBISYONG REYNOSO PO!” ngayong Lunes, April 29, 2024 sa San Isidro Covered Court.
Dalwandaang (200) miyembro ang nabigyan ng gamot para sa hypertension and diabetes. Nagbigay din ng libreng konsulta at ECG ang Office of the City Mayor – Mobile Health and Medical Emergency Response Team. Samantalang nagsagawa ang OCM-ICT Section ng registration para Tayabazen Smart Card ng mga miyembrong hindi pa nabibigyan ng pink card.
Personal na nakadaupang palad ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso ang mga miyembro ng Sweethearts Club, kung saan nagpaset-up pa siya ng Pink Cart sa mismong pinagdarausan ng programa para mamigay ng libreng miryenda sa mga dumalo.
Pinamahalaan ang “SWEETHEARTS CLUB… MULA SA PUSO, SERBISYONG REYNOSO PO!” activity nina City Health Officer Dr. Hernando C. Marquez, Assistant City Health Officer Dr. Maria Graciela D. de Leon, ICT Section Head Dr. Raymond Bermudez, Sanitation Officer Rommel Sate, Nurse Joanne D. Hachaso, Midwife Rosana Morales, at Nurse Arvic Jhoanne S. Palayan.