26
Jun 2024
TINGNAN || MGA TAGA-CALSIAGAN ANG SINERBISYUHAN NG SERBISYONG REYNOSO CARAVAN.
Inilapit sa mga residente ng Sitio Calsiagan, Barangay Silangang Palale ang iba’t ibang serbisyo ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Tayabas sa pamamagitan ng Serbisyong Reynoso Caravan ngayong Martes, June 25, 2024.
Hangarin ng Serbisyong Reynoso Caravan na hindi na mahirapan ang mga naninirahan sa nasabing lugar para magpakonsulta, magpa-ECG, magpa-X-ray, sumailalim sa iba’t-ibang uri ng laboratory services, maging mga diagnostic services ng OCM-MHMERT, at dental services ang mga tauhan CHO-Dental Section.
Nandoon din para magserbisyo “offsite” ang mga tanggapan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), Office of the City Library at City Veterinary Office at City Civil Registrar Office.
Mas pinabilis din ang pagpaparehistro ng Philippine Identification Card o National ID dahil sa kasabay na “onsite service” ng mga tauhan ng Philippine Statistics Authority Office. Maging ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Smart Card ay isinagawa din sa nasabing lugar ng mga tauhan ng OCM-Information Communication and Technology (ICT) Section.
Pinangunahan ng mga tauhan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team ang Serbisyong Reynoso Caravan bilang pagtupad sa pangako ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso “na sa Lungsod ng Tayabas ang pag-aalaga sa kalusugan ng mga Tayabasin ay patuloy na nasa puso natin. At ang Serbisyong Reynoso Caravan ay patunay ng pagpapahalaga sa kalusugan nating lahat.”