YMB FARM SA LAWIGUE, PINAHINTO ANG OPERASYON

YMB FARM SA LAWIGUE, PINAHINTO ANG OPERASYON
07 May 2025

News

YMB FARM SA LAWIGUE, PINAHINTO ANG OPERASYON

Sa bisa ng Cease and Desist Order (CDO) na nilagdaan ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso noong April 30, 2025, pinahinto ang operasyon ng YMB Farm sa Sitio 7, Barangay Lawigue, Lungsod ng Tayabas.
 
Inihain ang nasabing CDO sa may-ari at mga tauhan ng nasabing farm ngayong Miyerkules, May 7, 2025, ng mga kinatawan ng Joint Inspectorate Team na binubuo ng Business Permit and Licensing Office, City Environment and Natural Resources Office, at City Health Office-Environmental Health and Sanitation Section.
 
Nag-ugat ang Cease and Desist Order sa patuloy na pagkukulang ng pamunuan ng YMB Farm na makatupad at makakuha ng mga kinakailangang permiso at dokumento para sa kanilang legal na operasyon.
 
Napag-alamang matagal nang binigyan ng babala ang nasabing farm tungkol sa paglabag sa Section 3C.05 ng Tax Ordinance No. 23-001 o Updated Revenue Code of the City of Tayabas, Presidential Decree No. 856 o Sanitation Code of the Philippines, at iba pang kaugnay na batas, panuntunan at regulasyon kaugnay ng kanilang operasyon.
SHARE ON
Scroll to Top