
13
Mar 2025
News
KOLORUM AT IBA PANG TRAFFIC VIOLATORS, HULI SA OPERASYON NGAYONG HUWEBES NG HAPON

Umabot sa labingsiyam (19) na traffic violators ang naisyuhan ng citation ticket bunsod ng iba’t ibang violation sa isinagawang operasyon ngayong araw.
Pinangasiwaan ng mga tauhan ng OCM-Traffic Operations Section at Tayabas Component City Police Station ang operasyon ngayong Huwebes, March 13, 2025, na may layuning mapasunod ang mga namamasadang tricycle driver at mga motorista sa mga patakaran at panuntunan na nakapaloob sa City Traffic Ordinance Number 21-27 at iba pang batas trapiko.
Bukod sa pag-impound sa mga nahuling kolorum ay pagmumultahin sila ng halagang limanlibong piso (P5,000).
Nagpaalala muli ang OCM-Traffic Operations Section at Tayabas Component City Police Station
na maging mahinahon kapag nakalatag ang checkpoint o kapag pinapara at huwag magalit sa mga operatiba sapagkat ipinatutupad lamang nila ang batas.

