
04
Apr 2025
News
MGA BAGONG MANUNUNGKULANG OPISYAL NG PITUNG LOKAL NA KOOPERATIBA SA LUNGSOD NG TAYABAS, NANUMPA SA TUNGKULIN SA HARAP NI MAYOR LOVELY REYNOSO-PONTIOSO

Isa-isang nanumpa ang bawat grupo ng mga bagong opisyal ng pitung (7) kooperatiba sa Lungsod ng Tayabas sa harap ni Mayor Lovely Reynoso-Pontioso sa kanyang tanggapan ngayong Biyernes, April 4, 2025.
Kabilang sa mga nanumpa ang mga opisyales ng Samahan ng Binhi ng Kalikasan sa Brgy. Lalo Agriculture Cooperative (BKBLAC), Kalipi Tayabas Producer Cooperative (KTPC), Samahan ng Nagkakaisang Magsasaka ng Ibabang Palale sa Tayabas Credit Cooperative (SNMIPTCC), New Growth Farmers Agriculture Cooperative (NGFAC), Masa Credit Cooperative of Tayabas, Tayabas City Transport Service and Multi-Purpose Cooperative (TCTSMPC), at Tayabas RIC Credit Cooperative (TRCC).

