LGU PINAMALAYAN EMPLOYEES, NAGSAGAWA NG BENCHMARKING SA LUNGSOD NG TAYABAS

LGU PINAMALAYAN EMPLOYEES, NAGSAGAWA NG BENCHMARKING SA LUNGSOD NG TAYABAS
10 Jun 2025

News

LGU PINAMALAYAN EMPLOYEES, NAGSAGAWA NG BENCHMARKING SA LUNGSOD NG TAYABAS

Isinagawa ngayong Martes, Hunyo 10, 2025, ng labing-isang (11) kawani mula sa Municipal Planning and Development Office (MPDO) ng LGU Pinamalayan, Oriental Mindoro ang benchmarking activity sa Lungsod ng Tayabas bilang bahagi ng kanilang pagsusumikap na mapalawak ang kaalaman sa urban planning at pagpapaunlad ng mga kooperatiba.
 
Pinangunahan ni MPDC Rosenio A. Toriano ang grupo, na layuning matutunan ang mga estratehiya ng Tayabas City sa mahusay na paggamit at pamamahala ng lupa, gayundin ang mga programang sumusuporta sa mga kooperatiba at maliliit na industriya.
 
Mainit silang sinalubong nina City Planning and Development Coordinator Gino Carlo Zaporteza, CAO Jayvee Ford, at mga kawani ng City Tourism Office.
 
Nagbahagi si CPDC Gino Carlo Zaporteza ng presentasyon hinggil sa mga patakaran at pamamaraan ng Lungsod sa land use management. Samantalang ibinahagi naman ni Gener B. Abordo, LCDOP Region IV-A at kasalukuyang Presidente ng Quezon Province Coop Officers ang mga karanasan at best practices ng iba’t ibang kooperatiba sa lungsod, kabilang ang mga inisyatibong tumutulong upang mapanatili at mapalago ang mga ito.
 
Ang benchmarking activity ay bahagi ng patuloy na programa ng LGU Pinamalayan upang makapagtamo ng kaalaman at mapalakas ang kanilang mga lokal na inisyatiba sa pagpapaunlad ng komunidad.
SHARE ON
Scroll to Top