16
Sep 2024
Health
News
IBA’T-IBANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN HANDOG NG SERBISYONG REYNOSO MOBILE HEALTH SERVICES SA MGA TAGA-DAPDAP.
Nagtungo sa covered court ng Barangay Dapdap ngayong Huwebes, September 12, 2024 ang mga tauhan ng Office of the City Mayor-Mobile Health and Medical Emergency Response Team (OCM-MHMERT) katuwang ang mga tauhan ng Department of Health, para ilapit sa mga naninirahan doon ang iba’t-ibang serbisyong pangkalusugan handog ng Serbisyong Reynoso Mobile-Health Services.
Ang Serbisyong Reynoso Mobile Health Services ay kinapapalooban ng mga libreng serbisyo para sa nangangailangan Health Consultation, Laboratory and Diagnostic Services, Ultrasound, ECG at X-ray. Mas pinabilis din ang App Registration and Issuance ng Tayabazen Card ng mga tauhan ng OCM-Information and Communication Technology (ICT) Section.
Personal naman na nakadaupang palad ng mga residente ng Barangay Dapdap si Mayor Lovely Reynoso-Pontioso kasama ang ilang myembro ng Sangguniang Panglungsod.
Nandoon din para magbigay ng libreng kunsulta at check-up sina City Health Officer Dr. Hernando Marquez at Medical Officer IV Dr. Kristine Del Moro-Oates.